This site is currently being updated and refined.

Kayo ay Malugod na Inaanyayahan sa Kasal nina

Erico & May Ann

:
:
:
Days
Hours
Minutes
Seconds
Countdown finished!

Pakinggan ang Aming Wedding Song

Maligayang Pagdating sa Opisyal na Website ng Aming Kasal

Malugod namin kayong inaanyayahan na makibahagi sa isang araw na isinulat ng tadhana at pinagtibay ng pagmamahal. Ang aming kasal ay hindi lamang pag-iisang-dibdib ng dalawang puso, kundi paglalakbay ng dalawang kaluluwang piniling magmahal, mangarap, at magsama habang buhay.

Sa website na ito, matatagpuan ninyo ang mga detalye tungkol sa aming espesyal na araw: ang mga lugar na magiging saksi sa aming mga pangako, ang mga sandalıng aming paghahatian, at ang mga alaalang sabay nating lilikhain. Inaanyayahan namin kayong tuklasin ang aming kwento, mag-RSVP, at masilayan ang paglalakbay ng pagmamahalang nagdala sa amin sa sandaling ito.

Hindi na namin mahintay na makasama kayo sa pagdiriwang ng isang pag-ibig na pinili araw-araw, sa hirap at ginhawa, at sa habang-buhay. Ang inyong presensya ay magiging bahagi ng aming kwento - isang alaala na aming iingatan magpakailanaman.

Pakigamit po ang aming opisyal na hashtags sa pagbabahagi ng mga sandaling ito:

#EricoandMayAnn


Hanggang sa araw na pag-isahin ang aming pangarap at pangako.


Erico 💖 May Ann


Kwento ng Aming Pag-ibig

 I-swipe upang basahin ang aming kwento

May mga sandaling dumarating sa buhay na tila pangkaraniwan lamang. Mga sandaling hindi mo aakalain na iyon na pala ang magsisilbing simula ng pinakamagandang kabanata ng isang kwento. Ganito nagsimula ang kwento nina Erico at May Ann.

Sa parehong paaralan sila nag-aral noong High School. Third year si Erico habang first year naman si May Ann. Isang gabi matapos ang street dancing practice at habang break time ng lahat, nagkayayaang maglaro ng habulang kampit. Dahil apat na lamang sila na wala pang kapareha, nagtompyang sila. Sa isip ni Erico noon, sana hindi niya makapartner si May Ann. Hindi dahil sa ayaw niya rito, kundi dahil mahihiya siya sa kanyang mga kamay na madaling pagpawisan. Ngunit tila may ibang plano ang pagkakataon, dahil sila pa rin ang itinakdang maghawak-kamay sa larong iyon.

Habang tumatakbo silang magkahawak-kamay upang hindi mataya, nagtago muna sila sa isang sulok. Doon, nahihiyang sinabi ni Erico na baka maaari muna silang bumitaw dahil sobrang pawis na ng kanyang kamay. Nag-alok rin siya ng panyo upang iyon na lamang ang kanilang hawakan. Ngumiti lamang si May Ann at sinabi “Okay lang ‘yan, huwag na tayong magbitaw baka kasi makita tayo at mataya pa tayo. Baka hindi rin pwedeng na sa panyo tayo hahawak”.

Maaring simpleng sagot lamang iyon para kay May Ann, ngunit para kay Erico, naging espesyal ang sandaling iyon. Humanga rin siya sa pagiging tapat nito kahit alam niyang walang ibang makakakita kung sila ay bibitaw, pinili pa rin nitong manatiling magkahawak-kamay dahil ayaw niyang lumabag sa laro at baka sila pa ang mataya. Mas lalo pang tumatak sa kanya ang pagtanggap ni May Ann sa kanyang pawisang kamay. Hindi niya ipinadama na iyon ay isang bagay na dapat ikahiya. Sa halip, nanatili lamang siyang komportable.

Lumipas ang mga taon at nagkanya-kanya sila ng landas sa kolehiyo. Akala nila ay hanggang alaala na lamang ang kanilang pagkakakilala. Ngunit noong Setyembre 3, 2010, isang simpleng birthday greetings sa Facebook Messenger ang muling naglapit sa kanilang mga puso. Mula sa simpleng pagbati ni Erico kay May Ann ay naging gabi-gabing kwentuhan, tawagan, at walang sawang pagkukumustahan. Inaabangan ni Erico ang oras na mag-online si May Ann sa computer shop. Naglakas loob rin siyang hingin ang cellphone number nito ngunit isang numero lamang kada mag-online ang binibigay niya, ilang linggo rin ang hinintay bago tuluyang nakumpleto ang numero nito.

Sa paglipas ng ilang buwan, nalaman ni Erico na hindi pa handa si May Ann sa isang relasyon. Kaya sa halip na pilitin ang kanyang nararamdaman, nagtanong nalang siya kung may bestfriend na ba siyang lalaki, at noong malaman na wala ay itinanong niya kung maaari ba silang maging mag bestfriend.

Pumayag si May Ann ngunit may isa siyang kondisyon na kapag mag bestfriend bawal mainlove.

Napangiti na lamang si Erico. Alam niyang imposibleng sundin ang kondisyong iyon, ngunit masaya na rin siya sapagkat para sa kanya, ang pagiging mag bestfriend ang magiging pagkakataon upang mas mapalapit kay May Ann at mas makilala ang babaeng matagal na niyang hinahangaan.

Lumipas ang taon, hindi lamang si May Ann ang unti-unting naging malapit kay Erico. Nakilala at napalapit din siya sa pamilya nito. Batid ni Erico na hindi pa handa si May Ann na buksan ang kanyang puso, kaya sa halip na madaliin ang mga bagay, pinili niyang igalang ang kanyang desisyon. Inilalaan niya ang kanyang panahon sa pagbuo ng magandang samahan sa pamilya ni May Ann hanggang sa naging malapit siya sa mga kapatid nito at itinuring na ring bahagi ng kanilang tahanan. Hindi rin niya pinalampas ang bawat mahalagang araw sa buhay ni May Ann, sinisikap niyang naroon upang magbigay ng suporta at makibahagi sa kanyang mga tagumpay. At hindi lamang sa masasayang pagkakataon siya naroon. Sa mga panahong may pinagdaraanan si May Ann, sa mga pagkakataong kailangan niya ng taong makikinig, tahimik na naroon si Erico. Unti-unti ring naging komportable ang loob ni May Ann kay Erico. Sa bawat pag-uusap, gumagaan ang kanyang loob. Maaaring may mga sandaling may damdaming unit-unting umuusbong, ngunit pinili niyang huwag muna itong bigyan ng pansin.

Sa paglipas ng panahon, maraming beses na nasubok ang katapatan, tiyaga, at sinseridad ni Erico. Madalas niya itong ipinahihiwatig sa biro, tinatanong kung maaari na ba silang maging higit pa sa magkaibigan. Sa bawat pagkakataon, mahinahon siyang tinatanggihan ni May Ann, kahit ramdam nitong may espesyal na pagtingin na si Erico sa kanya. Samantala, pinili ni May Ann na huwag madaliin ang kanyang puso. Maingat niyang inoobserbahan ang kanyang damdamin habang buong tiwala niyang ipinagkakatiwala sa Diyos ang kanyang panalangin na sana ang unang lalaking tunay niyang mamahalin ay siya na ring makakasama at makakatuwang niya habambuhay.

Habang lumilipas ang mga taon, may iba ring mga lalaki ang nagtangkang manligaw at mapalapit kay May Ann. Binigyan niya ng pagkakataong makilala ang mga ito, Hindi rin maikakailang nagpakita rin sila ng oras, effort, at pagmamahal. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang ipinakita, kay Erico pa rin siya higit na naging komportable. Sa bawat pagkakataong magkasama sila, dama niya ang seguridad at kapayapaang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na ipagkatiwala ang kanyang puso. Sa bawat paghahambing, mas naging malinaw sa kanya na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa matatamis na salita, kundi sa taong piniling manatili, hindi napagod umunawa, at maghintay kahit walang katiyakan kung siya ba ang pipiliin sa huli.

Hindi naging madali ang mahabang paghihintay ni Erico. Habang lumilipas ang panahon, maraming nagpayo at nagsabing sumuko na at baka may ibang taong mas nararapat para sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat, pinili niyang manatili. Hindi dahil sigurado siyang sasagutin siya, kundi dahil sigurado siyang si May Ann ang babaeng nais niyang makasama habambuhay.

Nang makapagtapos ng kolehiyo si May Ann, muli siyang nagtanong kung maaari na bang maging sila. Ngunit muli siyang tumanggi. Nais muna raw nitong makapagtrabaho at hiniling kay Erico na tapusin muna ang kanyang ikalwang kurso. Masakit man para kay Erico ang muling maghintay, pinili niyang igalang ang desisyon ni May Ann. Dumating ang mga sandaling napapatanong siya kung darating pa ba ang araw na matutupad ang matagal na niyang ipinagdarasal. Gayunpaman, hindi niya piniling sumuko. Sa halip, iginalang niya ang desisyon ni May Ann at patuloy na naghintay. Marahil, ito na ang itinuring niyang huling sign na kung makapagtapos siya at hindi pa rin siya papayag, tatanggapin niyang marahil ay hindi sila ang itinadhana para sa isa't isa. Ngunit habang wala pang malinaw na kasagutan, pinili niyang manatili, magtiwala sa tamang panahon, at ipagpatuloy ang pagmamahal na matagal nang iningatan ng kanyang puso.

Naging matalik na magkaibigan sila sa loob ng pitong taon. Pitong taon ng pagkilala sa isa't isa. Pitong taon ng pagtitiwala, pagsuporta, at pagbuo ng isang pagkakaibigang naging matibay na pundasyon ng kanilang pagmamahalan. At sa tulong ng Diyos, dumating din ang araw na matagal nilang ipinagdasal.

Noong Hunyo 16, 2017, kasabay ng pagtatapos ni Erico sa kanyang ikalawang kurso, dumating din ang pinakahihintay niyang sandali., sa wakas ay sinagot na siya ni May Ann.

Mas naging espesyal ang sandaling iyon dahil si Erico ang naging unang boyfriend ni May Ann, at si May Ann naman ang naging unang girlfriend ni Erico. Isang pag-ibig na hindi nagsimula sa pagmamadali, kundi sa matibay na pagkakaibigan, pagtitiwala, at paghihintay sa tamang panahon.

Sa loob ng siyam na taon bilang magkasintahan, hindi lamang pag-ibig ang kanilang pinagyaman, kundi isang pagkakaibigang hindi kailanman nawala sa kabila ng paglipas ng panahon. Magkaagapay silang nangarap, nagsikap, at humarap sa bawat pagsubok. At biyaya ng buhay. Sa bawat araw, pinili nilang maging tahanan ng isa't isa, sa saya man o sa lungkot. Araw-araw nilang piniling mahalin, unawain, at suportahan ang isa't isa.

At noong Nobyembre 16, 2025, sa Cathedral ng Baguio City, matapos humingi ng basbas sa pamilya ni May Ann, lumuhod si Erico at muling nagtanong ng pinakamahalagang tanong sa kanyang buhay.

At muli, ang sagot ay isang buong pusong "Yes."

Groom & Bride:

“Ngayon, matapos ang pitong taon ng pagkakaibigan at siyam na taon bilang magkasintahan—labing-anim na taon ng pagkilala, paghihintay, pagtitiwala, pananalig, at araw-araw na pagpili sa isa't isa—narito kami, handang simulan ang panibagong kabanata ng aming buhay bilang mag-asawa.

Ang aming kwento ay patunay na ang pag-ibig na nakalaan sa tamang panahon ay hindi kailanman nagmamadali. Ito ay marunong maghintay, magtiwala, at manatili. At ngayon, sa harap ng Diyos at ng mga taong mahal namin, pinipili naming ipagpatuloy ang paglalakbay na minsang nagsimula sa isang simpleng larong habulang kampit, isang paglalakbay na ngayon ay hahantong sa aming habang-buhay.”

Dress Code

Ninong & Ninang

Barong Tagalog (black pants)

Filipiña or formal dress

GUESTS

Barong Tagalog (black pants)

Filipiña or formal dress

We kindly request that all guests honor the dress code by avoiding overly casual attire such as polo shirts, slippers, denim, and jeans. Please avoid mini dresses.


Please adhere to the specified dress code and color motif provided. Dressing accordingly is deeply appreciated, as it will contribute to the elegance and harmony of our celebration.


We look forward to seeing you in your finest that complements our chosen theme!

Gift  Guide

With all that we have, we've been truly blessed.
Your presence and prayers are all that we request,
But if you desire to give nonetheless,
Monetary gift is the one we suggest.

The Venue

CEREMONY & RECEPTION

Amaya View, Indahag Hills,

Cagayan De Oro

VIEW MAP

Your Questions Answered

  • RSVP

    We are so excited to celebrate our wedding day with you! To ensure an intimate and enjoyable experience for everyone, we have reserved seating for each guest individually. We kindly ask that each invitation is for ONE (1) PERSON ONLY.


    Please RSVP by September 20, 2026 to confirm your attendance.


    We can’t wait to share this unforgettable day with you!

  • Is there parking space available for my car?

    Yes, there is parking available for everyone at the venue. However, please take note that it is first come, first served basis, so you might not want to be late.

  • I said "NO" to the RSVP but I had a change of plans-I can attend now! What should I do?

    • Please check with us first. Unfortunately, we have a strict guest list.



    • Kindly inform us if your schedule clears up, so we can try to accommodate you.



    • If seats become available, we will let you know as soon as possible.



    • Please do not attend unannounced, as we may not have any available seats for you.

  • When is the appropriate time to leave?

    This event took us months to plan, and we want to celebrate it with the people that are very dear to our hearts. We want you to have fun! Celebrate with us until the end of the program!

  • How can I help the couple have a great time during their wedding?

    • Pray with us for favorable weather and the continuous blessings of our Lord as we enter this new chapter of our lives as husband and wife.
    • RSVP as soon as your schedule is cleared.
    • Dress appropriately and follow our wedding motif.
    • Be on time.
    • Follow the seating arrangement in the reception.
    • Stay until the end of the program.
    • Join the activities and enjoy!
  • May I invite a "PLUS ONE" to the event?

    As much as we would love to accommodate all our friends and family, we have a limited number of guests.


    Please understand that this event is strictly by invitation only. Kindly check our invitation to know the number of seats allotted for you. Guests not found on the guestlist provided will not be allowed to enter.

  • What if I RSVP'd but cannot attend?

    We would love to have you at our wedding, but we understand that there are circumstances beyond our control. However, please let us know as soon as possible so we can reallocate your seat/s.

  • Can I sit anywhere at the reception?

    Please don't. It took us a lot of effort and discussion to finish the seating arrangement, which is planned for everyone's convenience and preference, but there is no need to worry! You'll surely be seated with your friends or people that you have same interest with.



    Our coordinators will gladly assist you in finding your designated seat after registration. Feel free to ask them for assistance and they will gladly help you.

  • Am I allowed to take pictures and/or videos during the ceremony?

    We request everyone to keep the ceremony camera-free. While our I Do’s are unplugged, our reception is not and definitely as a couple who loves pictures, you’ll get tons of options to take your pictures. We prepared for this event wholeheartedly.


    Please use our official hashtag: 

    #EricoandMayAnn

  • Do we really need to RSVP? We already said "YES" to the couple.

    Yes, please. We will be needing your formal RSVP to consolidate guest details and finalize the headcount for catering and seating purposes.

RSVP

Nasasabik kaming ipagdiwang ang aming kasal kasama ang aming pinakamalalapit na pamilya at mga kaibigan!



Magalang naming hinihiling ang inyong tugon bago o sa Setyembre 20, 2026.

Maraming salamat!

ERICO AND MAY ANN | RSVP