Kayo ay taos-pusong inaanyayahan sa kasal nina

:
:
:
Days
Hours
Minutes
Seconds
Countdown finished!

Pakinggan ang aming temang musika

Maligayang Pagdating!


Isang karangalan ang makasama namin kayo sa napakahalagang pagdiriwang na ito.


Nangangahulugan ito na sa kabila ng iba pang mga gawain ay napagbigyan mo kami upang maging kabahagi at masaksihan ang aming pag-iisang dibdib.


Umasa kang naghanda kami ng isang interaktibo at masayang programa na siguradong kagigiliwan ng bawat isa.


Inaasahan namin na makita ang bawat isa sa darating na Huwebes, 12 Disyembre 2024 (Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe) sa ganap na ika-2:00 ng hapon upang makiisa sa aming pagdiriwang ng ligaya, buhay, at dakilang pag-ibig sa mata ng Maykapal.

Ang Kwento ng Aming Pag-ibig

Taong 2013 nang pagtagpuin sa Lungsod ng San Pedro sina Josua at Baby Marie. Kapuwa naglilingkod ang dalawa sa kani-kanilang parokya, si Baby Marie bilang miyembro ng koro sa Pangdiyosesanong Dambana ni Hesus sa Banal na Sepulcro habang si Josua naman ay miyembro ng Lingkod ng Dambana ng Parokya ng San Pedro Apostol.


Hindi naging madali ang pagkakaroon ng koneksyon ng dal’wa subalit dahil na rin sa paggalaw ng espiritu santo ay unti-unting nagkaroon ng pagkakataong magkakilanlan ang dalawa na hindi naglaon ay nauwi nang tuluyan sa isang matimyas na pag-iibigan.


Taong 2016 nang opisyal na maging magkasintahan ang dalawa. Bagaman dumaan sa iba’t ibang pagsubok ang dalawa ay nanatili pa rin silang matibay sa kabila ng mga unos na kanilang nakasagupa. Natutuhan nina Baby Marie at Josua na malalilamang kilalanin ang bawat isa, sayawan ang mga dumarating na bagyo, at sumabay sa saliw ng musika ng ligaya at pagmamahal.


Sa Lungsod ng San Pedro, kung saan sila pinagtagpo at naging saksi ng kanilang pag-iibigan, sina Baby Marie at Josua ay magkahawak kamay nang handang salubungin ang bagong landas na kanilang tatahakin sa buhay.


Sa yakap ng kanilang pagmamahalan na magsisilbing gabay tungo sa paglalakbay na pagsasaluhan, dala-dala ang kuwentong pag-iibigan na habambuhay ng naka-ukit sa mga tala, isang testamento sa hindi malulumang mahika ng pagtatagpo at maindayog na kapangyarihan ng pag-ibig.


Kasuotan

Filipiniana at Barong Tagalog para sa mga Pangunahing Tagapaggabay

FILIPINIANA O ANUMANG ALINSUNOD
SA ITINAKDANG MULARAN (MOTIF)
PARA SA MGA KABABAIHAN

POLO BARONG AT ITIM NA PANTALON O POLO NA
NAKASUNOD SA ITINAKDANG MULARAN (MOTIF)
PARA SA MGA KALALAKIHAN

Hinihiling po namin sa lahat ng bisita na sundin ang dress code sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang kaswal na pananamit tulad ng polo shirts, tsinelas, denim, at maong. Mangyaring iwasan din ang pagsusuot ng maiikling damit.


Sundin po sana ang nakatalagang dress code at color motif. Lubos namin itong pinahahalagahan dahil magbibigay ito ng ganda at pagkakaisa sa aming selebrasyon.


Inaasahan namin ang inyong pagdalo nang nakaayos nang naaayon sa napiling tema!

Paalala  para sa mga Handog

Kami ay lubos na mapalad sa mga natamasa namin. Ang presensya at panalangin ay aming hinihiling. Subalit kung ninanais niyong magbigay ng handog, Ang salaping handog ang aming iminumungkahi.

Ang Lokasyon

CEREMONY

San Pedro Apostol Parish, Brgy. Poblacion, Lungsod ng San Pedro, Laguna

ANG MAPA

RECEPTION

Mango Hills Garden Events Place, Brgy. Calendola, Lungsod ng San Pedro, Laguna

ANG MAPA

CEREMONY

San Pedro Apostol Parish, Brgy. Poblacion, Lungsod ng San Pedro, Laguna

ANG MAPA

Mga Madalas Itanong

  • RSVP

    Nasasabik kaming makasama ka sa araw ng aming pag-iisang dibdib! Upang masiguro ang maniig at maligayang sandali ng bawat isa, nagtakda kami ng tig-isang upuan sa bawat bisita. Mangyaring tumugon sa RSVP na ito hanggang 23 Nobyembre 2024 upang makumpirma ang inyong pagdalo. Hindi na kami makapaghintay na makabahagi ka sa espesyal na pagdiriwang na ito.

  • Mayroon bang nakalaan na lugar para sa aking sasakyan?

    Siyang tunay! May nakalaan na espasyong pambehikulo para sa bawat isa. Subalit, mas mainam na hindi magpahuli sa pagpunta sa mga destinasyon upang masigurong may maayos na mapaghihintuan ang inyong sasakyan.

  • Humindi ako sa RSVP subalit nagkaroon ng pagbabago sa aking mga plano at maaari na akong makadalo, ano ang gagawin ko?

    • Mangyaring ikonsulta muna ito sa amin sapagkat nagtakda kami ng istriktong talaan para sa mga bisita.

    • Sabihan kami tungkol dito upang masubukan namin kung magagawaan pa ng paraan.

    • Kung may nalibanang upuan, maari ka naming muling maitala.

    • Mangyaring HUWAG MAGTUNGO ng hindi nagpapasabi sapagkat wala kaming nakalaang upuan.

  • Ano ang akmang oras upang umalis?

    Ang pagdiriwang na ito ay dumaan sa ilang buwang preparasyon, at ninanais naming ipagdiwang kasama ang mga taong lubos na karugtong ng aming puso. Nais naming kayo ay makasama sa ligaya kung kaya't magdiwang tayo hanggang sa pagtatapos ng programa.

  • Paano ako makatutulong sa magsing-irog upang magkaroon ng maalwang sandali sa pagdaraos ng kanilang kasal?

    • Ipanalangin po natin na biyayaan nawa tayo ng maalwang panahon at walang hanggang biyaya mula sa ating Panginoon sa pagpasok namin sa panibagong yugto ng buhay.

    • Mangyaring sagutan agad ang RSVP.

    • Magdamit ng naayon sa tema at mularang itinakda. 

    • Magtungo ng naayon sa itinakdang oras. • Sumunod sa mga itinakdang upuan sa pook ng pagdiriwang. 

    • Manatili hanggang katapusan ng programa.

    • Lumahok sa mga inihandang gawain.

  • Maari ko bang isama ang aking mga anak sa pagdiriwang?

    Itinakda namin na hindi maaring magsama ng mga bata sa kasal na ito. Bagaman may ilang munting bata na napahintulutan upang gumanap sa ilang gawain sa seremonyas ng kasal.

  • Maari ba akong mag-imbita o magdala ng "PLUS ONE" sa pagdiriwang na ito?

    Ninais naming makasama ang marami sa aming mga kaibigan at kapamilya, subalit mayroon lamang kaming limitadong bilang ng mga bisita. Maunawaan sana na ang pagtitipong ito ay istriktong pang may imbitasyon lamang. Ang hindi napadalhan o hindi kasama sa opisyal na talaan ay hindi pahihintulutang makapasok sa pagdiriwang.

  • Paano kung nakapag-RSVP ako subalit hindi nakadalo?

    Nais naming ikaw ay makasama sa aming pag-iisang dibdib, subalit nauunawaan namin na may mga pangyayaring hindi namin mapanghahawakan. Subalit, mangyaring ipagbigay alam agad sa amin upang maibahagi namin sa iba ang nakatakdang upuan para sa iyo.

  • Maari ba akong umupo kahit saan sa pook ng pagdiriwang(reception)?

    Kung maari ay huwag. Ang paglalaan ng mga upuan para sa mga bisita ay dumaan sa masusing proseso upang mapanatili namin na ito ay kombiniyente at kalugod-lugod sa bawat isa. Huwag mag-alala! Siniguro naming ikaw ay kabilang sa iyong mga kaibigan at mga taong may kaparehong kinahihiligan. Ang aming mga tagapamagitan ay malugod kang sasamahan sa lugar na inilaan sa iyo.

  • Maari ba akong kumuha ng retrato habang isinagawa ang seremonyas ng pag-iisang dibdib at sa pook ng pagdiriwang?

    Hinihiling namin ang pagpapanatili ng CAMERA FREE lalo't higit sa oras ng seremonyas sapagkat nais naming masaksihan n'yo ito sa tradisyonal na kaparaanan. Samantalang may magaang restriksyon naman pagdating sa pook ng pagdiriwang sapagkat kaming pagsing-irog ay mahilig din sa pagkuha ng larawan. Siguraduhin lamang na hindi kayo makagagambala sa mga opisyal na litratista. Mangyaring gamitin ang aming opisyal na hashtag: #ForeverBabyNiJosua #IJosuaNaBeWithYouBaby

  • Kailangan pa ba talaga namin mag-RSVP kahit nagsabi na kami ng "Oo" sa magsing-irog?

    Mangyaring oo. Kinakailangan namin ang pormal n'yong tugon sa RSVP upang mapag-isa namin ang mga bilang ng dadalo at mga pangalang mailalagay sa opisyal na talaan.

RSVP

Kami ay nasasabik na ipagdiwang ang aming kasal kasama ang aming pinakamalalapit na pamilya at mga kaibigan!


Inaanyayahan namin kayong magbigay ng inyong sagot bago ang 23 Nobyembre 2024.


Maraming salamat!


Maraming salamat sa pagpapaalam sa amin ng inyong pagdalo!


- Josua at Baby Marie

JOSHUA AND BABY MARIE | RSVP