Kayo ay malugod na iniimbitahan SA KASAL NINA

:
:
:
Days
Hours
Minutes
Seconds
Countdown finished!

Listen to our wedding song

Maligayang pagdating sa aming wedding website!


Kami ay labis na nasasabik na ibahagi ang espesyal na araw na ito sa inyo!


Dito, matatagpuan ninyo ang lahat ng detalye tungkol sa aming kasal, kabilang na ang lokasyon ng mga venue, iskedyul ng mga kaganapan, at iba pa. Pakibisita ang site, mag-RSVP, at alamin ang kaunting tungkol sa aming paglalakbay bilang magkasama. Hindi na kami makapaghintay na ipagdiwang ito kasama kayo at lumikha ng mga alaala na tatagal habambuhay.


Gamitin ang aming opisyal na mga hashtag:

#EmangNiEmong

#EmangangakoKayEmong

Our Love Story

Nagsimula ang lahat noong June 21, 2022, isang araw na tila karaniwan lamang, maliban sa isang munting desisyon na magpapabago ng lahat. Si Rem, na hindi mahilig sa gym, ay napilit ng dalawang kaibigan na subukan ang isang bagong bagay. Kahit labag sa loob, pumayag siya. Hindi niya inasahan na ang simpleng pagbisita sa gym na iyon ay magiging simula ng isang mas malalim na kwento.


Sa unang tingin, si Mon—ang coach sa gym—ay kakaiba para kay Rem. Sa kanyang malalaking muscle at hulmadong katawan, inihalintulad niya ito kay Goku mula sa Dragon Ball Z, isang karakter na hindi hindi nya matitipuhan. Hindi interesado si Rem sa maskuladong lalaki. Para kay Mon naman, si Rem ay isa lamang kliyenteng hindi magtatagal sa gym.

Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may nag-iba. Si Rem, na unang pumunta sa gym para lang sa kanyang mga kaibigan, ay natutunang bumalik. Si Mon naman, na akala'y hindi siya magtatagal, ay napansin na siya. Ang kanilang mga pag-uusap ay nagsimula sa mga simpleng biro at usapan, kasabay ng ingay ng weights at treadmill. Ang mga biruan at kwentuhan ay lumalim, hanggang sa naging personal na mga kwento at tawanan.


Isang araw, nagkaroon sila ng pustahan tungkol sa kaldereta—kung may gata ba ito o wala. Kung sino ang mananalo ay ililibre ng kape. Wala sa kanilang nagtagumpay, dahil puwedeng lagyan o hindi ng gata ang kaldereta, ngunit ang pustahang iyon ay nagmarka ng isang mahalagang sandali sa kanilang koneksyon.


Pagkatapos ng ilang panahon, biglang nawala si Rem sa gym. Sa loob ng dalawang buwan, hindi siya nagpakita. Sa panahong iyon, hindi namalayan ni Mon na madalas niyang inaasahan na makita ang pangalan ni Rem sa group chat ng gym. May kulang sa kanya sa pagkawala ni Rem na hindi niya inasahan.


Samantala, nanalo si Mon sa NPC Worldwide Mr. Philippines 2022 bilang Classic Physique Overall Champion. Binati ni Rem si Mon sa kanyang pagkapanalo at muli silang nagpustahan. Kung mananalo ulit si Mon sa nalalapit na Muscle Contest Philippines 2022 International, ililibre na siya ni Rem ng matagal nang ipinangakong kape. At syempre, nanalo si Mon. Ngunit sa kabila ng tagumpay, hindi agad tinupad ni Rema ang pustahan—hanggang sa isang Sabado pagkatapos ng gym ay sinamantala ni Mon ang pagkakataon at inaya si Rem para magkape. Pumayag si Rem, ngunit pinaalala niyang kailangan niyang pumunta sa dentista pagkatapos. Inalok pa ni Mon na ihatid siya sa dentista, ngunit tumanggi na si Rem. Sandali lamang ang kanilang "coffee date" at matapos noon ay hindi na sila nag-usap.


Hangang sa dumating ang Christmas party ng RAL’s gym. Inimbitahan ni Mon si Rem. Sa pagdating ni Rem ay tila hindi na makakawala ang tingin ni Mon sa kanya. Nakahuhumaling ang kanyang simpleng kagandahan, at hindi alam ni Mon na pareho sila ng nararamdaman. Tahimik na hinangaan din ni Rem ang pagiging maginoo ni Mon. May dala siyang regalo para kay Mon, ngunit hindi niya ito ibinigay dahil nahihiya siya at baka isipin ng iba na espesyal ang kanyang nararamdaman para kay Mon. Makalipas ang tatlong araw, nagkalakas-loob na siyang ibigay ang kanyang regalo kay Mon at sa sobrang galak nya ay napasigaw siya ng “Salamat Madam!” habang papaalis si Rem, at tila may kilig na nagpalutang sa kanyang puso.

Kinabukasan, si Mon naman ang nagbigay ng regalo kay Rem. Maliit na bagay lamang, ngunit sapat na para mas lumalim ang kanilang koneksyon.


Dumating ang January 2023, isang Miyerkules ng gabi, nagkaroon ng lakas ng loob si Mon upang ayain si Rem na mag rides. Kunwaring hindi ito narinig ni Rem ngunit muling inulit ni Mon ang tanong kung pwede ba itong sumama mag rides at sa ikalawang pagkakataon ay tawa ang isinagot ni Rem. Ang trauma ng aksidente sa motor ng kanyang kapatid ay patuloy na bumabagabag sa kanya, at ang kanyang mga magulang ay hindi kailanman pinayagan siyang sumakay sa motor. Ngunit matiyaga si Mon, sa ikatlong ulit ng pagtatanong ay sumagot na rin si Rem ng “Sige,” upang tumigil na ito sa pagtatanong.


Akala ni Mon ay seryoso na si Rem, kaya’t hindi siya tumigil sa pag-aaya sa chat. Hanngang sa makakuha sya ng araw ng kanilang unang biyahe. January 22, 2023 natuloy ang unang rides nila sa MonteMaria International Pilgrimage sa Batangas. Para kay Rem, hindi lang ito isang simpleng biyahe—isang hakbang ito ng pagtitiwala. Habang tumatakbo ang motor at nararamdaman niya ang hangin sa kanyang mukha, dahan-dahang nabuo ang tiwala niya kay Mon.


Pagkatapos ng biyahe, lumalim pa ang nararamdaman ni Mon. Madalas niyang kinakausap si Rem upang ayain ulit na lumabas. Ngunit palagi siyang tinatanggihan ni Rem at sinasabing siya ay “fully booked”. Isang araw, nag-voice mail si Mon at kinanta ang “Be My Lady,” umaasang lalambot ang puso ni Rem. Magkahalong kaba at hindi maipaliwanag ang naramdaman ni Rem.Alam niya ang gustong iparating ni Mon, ngunit sinabi ni Rem kay Mon na hindi pa ito handa.

Kahit medyo naging alanganin ang sitwasyon, hindi sumuko si Mon. Pagkatapos mag gym ay inaaya pa rin niya si Rem na kumain sa labas. Pumapayag si Rem, ngunit palihim. Maghihintay si Rem sa checkpoint at doon sya susunduin ni Mon at magkasamang pupunta sa Eton para kumain ng lihim. Isang gabi, ikinagulat ni Rem na naghihintay na si Mon sa checkpoint, hindi pa rin sumusuko sa kaniya upang mas lumalim pa ang ugnayan.


Nang dumating ang Araw ng mga Puso, sinorpresa ni Mon si Rem. Sinundo ni Mon si Rem sa kanyang trabaho, may dalang bugkos ng mga bulaklak para sa kanya at sa kanyang ina. Nagulat si Rem sa “the moves” ni Mon na iyon at nakaramdam ng pressure. Nag-celebrate sila ng Valentine's Day sa Tagaytay, ngunit malamig ang hangin—parang may mga bagay na hindi masabi. Matapos ang date, sinabi ni Rem kay Mon na huwag itong umasa sa kanya. “No expectations”


Pagkatapos ng araw na iyon, tila lumamig ang kanilang ugnayan. Tumigil si Rem sa pagpunta sa gym, at si Mon, kahit matiyaga, unti-unting nawalan ng pag-asa.


Hanggang sa dumating ang lingo ng kaarawan ni Rem. Hindi alam ni Rem na inimbita ng kanyang ina si Mon sa selebrasyon. Nabigla si Mon ngunit nang makita niya ang suporta ng ina ni Rem, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magpunta. February 22, dumating si Mon sa birthday party ni Rem. Nang makita ni Rem si Mon, tila sumilay ang saya sa kanyang mukha. Ayaw niyang aminin, pero na-miss niya si Mon.


Mula noon, nagsimulang gumaan ang lahat. Dahil sa pagtyatyaga ni Mon at suporta ng mga kanyang mga kaibigan at basbas ng Ina ni Rem ay unti-unting binuksan ni Rem ang kanyang puso at pinayagan si Mon na ligawan siya.



Hindi inakala ni Rem na sa gym niya matatagpuan ang kanyang panghabambuhay na makakasama. At si Mon, hindi niya inasahan na ang babaeng akala niya’y di magtatagal sa gym at minsa’y pinagarap na maging kasintahan ay ang kanyang magiging kabiyak sa habang buhay.


Panuntunan sa damit

Filipiniana / Baro’t Saya

(Modern/Vintage)


Sa mga Binibini/Ginang – Filipiniana

o Saya (Modern / Vintage)

Sa mga Ginoo – Barong at Pantalon

Lubos naming hinihikayat ang aming mga panauhin na magsuot ng kasuotang pormal na may temang naaayon sa iminungkahing kulay.

Gabay sa mga ireregalo

Ang iyong presensya sa aming kasal ay sapat ng regalo

para sa amin. Ngunit kung kami ay inyo pong bibigyan ng regalo, labis naming pagpapahalagahan ang anumang monetaryong regalo.

Ang Venue

SIMBAHAN

Diocesan Shrine & Parish of St. John

VIEW MAP

RESEPSYON

Calamba Tent

VIEW MAP

SIMBAHAN

Diocesan Shrine & Parish of St. John

VIEW MAP

Mga Madalas Itanong (FAQs)

  • MAARI BANG MAGDALA NG KASAMA?

    Lubos naming pinahahalagahan ang iyong kagustuhang pagdiwang ang espesyal na araw na ito kasama ang iba, ngunit nais naming panatilihin ang mas masayang at pribadong okasyon. Kaya't para sa pagkakataong ito, ikaw lang' ang imbitado. Salamat po sa iyong pangunawa

  • MAARI BANG MAGSAMA NG MGA BATA

    Ang piging na ito ay para lamang sa mga matatanda. Sana ay maging masaya po kayo sa pagkakataong ito, makapag paghinga at makisaya kasama namin. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa

  • ANO ANG MAARING I-REGALO?

    Bagaman ang inyong presensya ang pinakamahalagang regalo, kami po ay malugod na tumatanggap ng mga

    regalong salapi para makatulong sa aming pagsasama. Magkakaroon po kami ng mga selo o sobre sa araw ng kasal.

  • SAAN GAGANAPIN ANG KASAL AT ANG RESEPSYON?

    Ang piging ay idaraos sa Diocesan Shrine & Parish of St. John the Baptist Parish Calamba. 


    Ang resepsyon ay susunod sa The Calamba Tent. May sapat po na paradahan sa parehong lugar para sa mga may sasakyan at ito’walang bayad.

  • ANONG ORAS DAPAT DUMATING?

    Iminumungkahi po namin na dumating nang hindi bababa sa 30 minuto bago magsimula ang seremonya sa simbahan upang makahanap po kayo ng komportableng upuan. Para naman po sa resepsyon, magsisimula ang pameryenda ng alas-4 ng hapon.

  • PAANO MAG “RSVP” o MAGKUMPIRMA NG PAGDALO?

    Para kumpirmahin ang iyong pagdalo, pakipunan po lamang ang pormularyo o “form” na matatagpuan sa website na ito.

  • KAILAN DAPAT MAG “RSVP” o MAGKUMPIRMA NG PAGDALO?

    Hinihiling po namin na mag-RSVP o magkumpirma ng pagdalo bago mag ika-5 ng Oktubre taong kasalukuyan. Ito po ay isang mahalagang hakbang upang aming mapag

    planuhan ang ayos ng at gayak ng lugar ng resepsyon.

  • IBA PANG PAALALA

    Upang mapanatili ang kaayusan, kasiyahan, at

    kasagraduhan ng aming seremonya ng kasal, kami po ay magalang na humihiling na ang lahat ng telepono ay patayin o ilagay sa “silent mode”.


    Kami rin ay humihiling sa mga panauhin na tumayo at iwasan nang umalis sa pwesto at kung maari ay iwasang kumuha ng mga larawan o video kapag maglalakad na

    ang “bride” papuntang altar. Ito po ay upang manamnam ang sandaling makita ang “bride” na naglalakad patungo sa kanyang pang habang buhay. Ang ala-ala ang

    pinakamagandang larawan.


    Kami ay nagpapahalaga sa inyong pang-unawa at kooperasyon upang gawing tunay na espesyal ang araw na ito para sa lahat.

  • MAYROON PA AKONG MGA KATANUNGAN! ANO ANG PINAKAMAINAM NA PARAAN PARA MAKIPAG-UGNAYAN?

    Para po sa karagdagang mga katanungan, maaari kayong direktang makipag-ugnayan sa ikakasal sa pamamagitan ng “Messenger”. O kayo po ay magpadala ng mensahe sa

    aming telepono na may numerong:

    Mon- 09775036353

    Rem- 09772647897

Embedded Video

RSVP

Masaya kaming ipagdiwang ang aming kasal kasama ang aming pinakamalalapit na pamilya at kaibigan!


Pakisuyo po lamang na ipaalam ang inyong sagot bago mag Oktubre 5, 2024.


Maraming salamat!

REYMOND AND REMALYN | RSVP